Saturday, January 31, 2009

I- tag-tag mo!

Haaaay, syempre kahit pinakyaw ko na ang katamaran na buy-one-take-one sa mall, eh napwersa pa din akong gawin ito, 1 year supply ata ng katamaran yun pero malamang di pa masyadong effective kase...huhuhu... tsk simple lang daw ang rules: Magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo. (9) Siyam dun ang totoo at (1) isa ang kwentong barbero.
(naman eh, pwede bang 9 yung kwentong barbero tapos isa lang ang totoo?)

1.) super dependent ako na tao, di naman ako mapangalipin at marunong naman sa gawaing bahay siguro kase mas gusto ko yung feeling na may kasama ako palagi, number one fear ko eh yung maging alone.di ako sanay sa public transport, dahil din siguro yun sa number one, dito ngayon sa Dubai and pinakamode of public transpo ko eh taxi, wala akong alam sa pagsakay ng bus…. Tsk!


2.) meron akong 15 na unan sa kama, di kasama sa bilang si asawa, kelangan nakapaligid sila sakin ( yung parang sa baby) para makatulog ako ng matiwasay) marami akong ritwal bago makatulog at isa na dun eh yung magpakamot sa likod...

3.) Contrary sa mga paniniwala tungkol sakin, di po ako gimikera, 1 time lang ako napunta sa isang disco. Isa po akong homebody, na mahilig magbasa, minsan di ko binibitawan ang libro hanggat di ko natatapos

4.) Isa pang contrapelo sa paniniwala ng lahat, super mahaba po ang pasensya ko sa paghihintay, kaya kitang hintayin ng kahit 3 hours nab ago ka dumating sa usapan, di naman medyo tanga na ko pero dahil naniniwala ako na valid na reason ang tao ( at number 1 dun eh kabagalan)

5.) 10 years ko muna nagging jowa ang asawa ko ngayon bago kami ikasal.sya lang ang naging BF ko, (ibang klase kase akong umibig naks naman) Nag inarte pa ko at nakipaghiwalay for 6 months umariba kase sakin yung feeling ng nasa runaway bride, yun bang feeling na walang sariling identity

6.) di ako marunong lumangoy, dahil takot ako sa pating…hahahahaha, pag nagpupunta kami sa beach ako yung makikita mo lagi sa pampang kasama ng mga bata. Kahit isang maliit na isda lang ang makita kong malapit sa akin umaahon agad ako, pero aliw naman ako sa mga dolphins

7.) Cheerleader na ko simula pa lang ng elementary hanggang college ako, kaya siguro magaling akong tumambling…hahahaha ewan na lang kung kaya ko pa syang gawin ngayon, tsk old age nga naman

8.) Kinder pa lang ako may jowa jowaan na ko…

9.) Meron akong straw collection, lahat ng klase ng straw at halos karamihan ng kulay eh meron ako ( nawala lang to kase nadiscover ng pamangkin ko akalain mong gamitin nya at paglaruan yun) collector din ako ng 101 dalamatians dun sa happy meal, di ako naka 101 siguro nasa 75 lang pero believe me napurga ako ng husto sa burger nun kase wala pang ibang choice sa happy meal noon. Sa ngayon lahat ng klaseng elephants naman ang gusto kong I collect

10.) Ito na siguro ang pinakatotoo, MAGANDA PO AKO! Yeba!!! Sabi ng nanay at tatay ko yun eh…hahahahha
wala naman pa kong kilalang blogger masyado eh, at feeling ko pag tinag ko yung mga kilala ko na eh maiinis lang sila dahil nakuha na nila to...so sayo na dumalaw dito at di pa kita kilala itag mo na lang sarili mo, para mauupdate din ang blog mo, kita mo nga tong sakin parang nacomatose lang tapos nabuhay ulit ng sandali...