Sunday, December 21, 2008

today i learned that...

everyday you'll hear news about hundreds and thousands of people losing their jobs, OFW's sent home because their company shut down. i frequently receive emails from friends asking if there's a vacant position in our company or if i know a company who has a position for them... haaay...
it's a usual story na, madami kang makikitang luhaan, yung iba nga habang nageenjoy sila ng bakasyon makakareceive na lang sila ng email na terminated na pala sila, then yung iba di makapagbakasyon dahil sa fear na baka pag tumuloy sila yun pa maging mitsa ng pagkawala ng work nila.
employers have become abusive na din, they would require their employees to work overtime or work during their day off without paying extra, syempre ikaw na si employee okay lang sayo yun baka kase yun pa maging dahilan nilang gamitin nila against you, it’s better na maabuso kesa mazero
para sakin greed ang lalong nagpapalala ng mga bagay-bagay, walang magbigay lahat pakabig kaya ayun…
haay ano ba!
Pero iba ang narinig ko ngayon iba ang natutunan ko ngayon…

...di lang pala sa telenovela at sa mga dramarama nangyayari at merong mga taong mayayaman na may mababait! imagine nagkaron ako ulit ng faith sa ibang tao upon learning that The top management and big bossess of FEDEX Dubai( sabi worldwide din daw) have sacrificed a fraction of their salaries ( some even had a 25% cut off) para maretain yung ibang employees at di magkaron ng massive lay off!!! bless their golden heart...

...meron pa din palang natitirang good sa ibang tao....
...di tulad ng iba kaya daming nawawalan ng trabaho kase they'd rather loose people and let those who remains suffer from overwork wag lang mabawasan ng singko ang milyon nilang sahod!!!
( di naman ako galit mode!)

ilang tulog na lang!

ilang tulog na lang Christmas na!!! yey for the cool gift from hubby really loved it!
may pamasko na ko...bagong medyas!!!! yeba!

Thursday, December 18, 2008

nakakahawa?

...minsan tuloy naiiisip ko nakakahawa kaya sakit ni Lolo???
tingnan mo eto ang dalawang example ng interview kay Janina:


Host: Let’s start. In 2009, I will (blank).


Janina: Continue my studies.


Host: Talaga? Good for you. What year are you in na ba?


Janina: 2009 po!


Second question…


Host: I believe that I am (blank).


Janina: Beautiful?


Host: You mean, nga­yon ka lang naniniwala na maganda ka?


Janina: I think so po.

ohmaygulay...epidemya ba ito?????

Tuesday, December 16, 2008

si Lolo nga naman

eto ang account ng laging nangyayari sa office namin, di ako magaling mag ingles, pero may sense naman akong mag ingles, minsan nga iniisip ko bobo ba sya o masyado lang akong matalino....

Eksena 1:
-----hehehe, hindi daw nagdugo yung ad ng client... basahin nyo pa nang mapatumbling kayo habang dumudugo utak nyo....



Eksena 2:
Papunta kami ng press conference ng Scorpions, nagpumilit si Lolo na sumama dahil isa daw syang avid fan ( note German Band po sila ) ng English band na ito ( oha avid fan yan ha)
Papunta kami ng Press Conference ng Scorpions.

hindi yan si lolo pero yan si Lolo Klaus yung Lead vocalist ng The Scorpions
(kasama dapat sya sa picture na ito pero pinacrop ko ku sya kasama no!!!)


So ang eksensa paalis pa lang kami ng office, natataranta na sya, my katagteam bisaya has her 7 MP camera and because sabi nya eh isa din syang camera addict akalain mo bang sabihin na iset daw ni yung camera ni Bisayamama to 6MP para daw mas mataas ang quality! Toinks!
During the presscon aba ang manners ng lolo napunta ata sa outer space nakakahiya kase sabit na lang nga attention grabber pa ang boses hindi pinatawad ang canapes at ang champagne tapos lumapit pa in his very loud voice sabi samin "hoy kumuha kayo ng pagkain dun oh ako kanina pa kain ng kain!!!, parang bata na nakapunta ng disney land... nakakahiya naman diba... kung pwede lang I claim na hindi ko sya kasama!!!!

During the interview portion ang pinakanakakatawang moment eh lahat ng tao sa room tumatawa na dahil nag joke ang mga members ng band pero si Lolo wala reaksyon ( hindi kase nya naintindihan) kamalditahan ko minsan silip ko sya kung okay pa baka kase sobra na nosebleed kelanagn ko na call ng paramedics!!!


Eksena 3:
forwarded email...
syempre dahil super genius ang aming lolo one day isang araw
Karen: Received a forwarded message from lolo
Email nakasulat ( hindi ko maatach kase medyo confidential)
Karen pakibasa nga ang email hindi daw nya ma-gets diba may secretarya na may translator pa!!!!

*** madalas ako tuloy tinatanong ng mga amo namin an briton naiintindihan ba daw sila ni lolo kase yah lang ng yah pero pag hinihingi na yung nagawa mali nman!!!

minsan tuloy napapaisip ako bobo ba sya o masyado lang akong magaling, kase pag nag iinglisan mas nauunawaan ko pa kasama naming panatik eh

Cumtotinkopit 3

bakit tinawag na Penshoppe kung hindi naman pen ang tinda nila?

it's da tot dat kawnts????

Syempre dahil pasko na kelangan meron din akong Christmas blog, ( para uso diba)...
at dahil Christmas uso na naman ang Christmas partey, at pag sinabing Christmas partey ibig sabihin merong exchange gift ( ganda ng deductive reasoning ko no?)
at pag uso ang exchange gift ibig sabihin malaki na naman ang kita ng mga gumagawa ng kandila, good morning towel, picture frame, angel figurines. Patok na naman sa takilya ang tumbler sa istarbak, at syempre si kaibigang hallmark busy na naman sa pagpriprint ng cards nya.

Kadalasang excuse na ng mga nagreregalo yung “It’s the Thought that counts” lalo na pag napapansin nila na medyo nawala ang excitement nung taong niregaluhan nila ng sandaling masilip yung regalo nila… pero matanong ko lang sa mga taong kadalasang excuse to, nung binili mo nga ba yung regalo eh inisip mo nga ba yung taong reregaluhan mo at kung sino sya para sabihin na “ isdatotdatkawnts” at para regaluhan mo ang isang lalaki ng pink na tuwalya?

Masasabi mo din ba ang “It’s better to give than to receive” pag ikaw yung hindi nakatanggap regalo?

Wag nyo kong pag-isipan ng masama nagpapakatotoo lang ako at alam ko minsan din kayong naimbyerna mode sa mga na exchange gift nyo di din ako materyoso kase materyosa ako! pero serious mode Maunawain naman akong tao at mas maiintindihan ko kung sasabihin mo sakin na sensya na kulang ang budget merry Christmas na lang kaysa naman paasahin at sabihan mo ako ng " It's the thought that counts" na yan

Bitter mode ang ateh no? ewan ba when it comes to receiving gifts pag uso na ang exchange gift ako na ata ang pinagtakwilan ng tadhana dahil lahat ng nakakabunot sakin eh ewan ko na lang- sakit nila sa bangs!

Bakit nga ba??? We’ll irerelate ko na lang sa inyo ang ilang instances bakit di ako fan ng exchange gifts talaga: ( insert reminiscing music here)

Crime Scene 1: Christmas party circa 19xx
Biktima: Grade 3 na Karen
Mga Witness: Mga Classmates nung grade 3
Nasasakdal: itago na lang natin sya sa pangalang Cecille

Habang lahat ng tao eh masaya sa mga natanggap nilang regalo andun ako sa harap ng classroom at pilit naghahanap sa wala, then lumapit si classmate na tinago natin sa pangalang Cecille at sinabing sya ang nakabunot sayo at pasensya na dahil nalate lang ang regalo nya sayo, naghintay ka at nagtiwala at syempre dumating si regalo, malaki sya dala ng nanay nya, sumapi ang greedy mode at natuwa ako, kahit pala late meron ako, yun lang bumalik pagkadismaya ko ng buksan ang malking regalo dahil: Anak ng tokwa ampaw ang laman at isang pirasong chippy na maliit! huwaw hinugot pa sa sari-sari store! Mula noon, di na ako natuwa sa exchange gift na yan

Crime Scene 2: Christmas Party circa 200* naman
Biktima: Ang Kawawang si Ako
Nasasakdal: Itago na lang natin sa pangalang Boy Negro

Matanda na ko neto at may trabaho na at andito na sa Dubeyy di ko na inaalala ang mga mapapait na nakaraan ng mga exchange gift na palpak, inakala ko na dahil may trabaho na baka naman kahit pano medyo wala nang magreregalo sakin ng ampaw o chippy, di na uso ang good morning towel o kaya yung towel na may burda ng pangalan mo. Masaya ako dahil pagkasight ko pa lang ng regalo para sakin ( ehem) malaki sya at mabigat, at dahil mayabang ako sabi ko sa mga kasama ko na sila na maunang magbukas ng mga regalo nila; may mga nagregalo ng Giordano, may Nike na shirt, merong Mexx, merong hikaw, lalo tuloy tumaas ang pananampalataya ko, sabi ko kung sa kanila ganun na pano pa kaya yung sakin? Syempre nakaabang ng lahat sa kayabangan ko, ismayturn na para mag open, nag inarte muna ako sandali kase maganda ang paper bag pero syempre dahil saksakan ako ng swerte sa exchange gift nga eto po ang natanggap ko: isang picture frame na nakakahiwa pa, isang lagayan ng hotdog na wala naming magkasyang hotdog at 2 baso na nung pinitik ko eh nabasag at para madagdagan ang hinagpis kelangan pang may picture kasama ng regalo
puno ng kaplastikan akong ngumiti sa harap ng camera, syempre dahil picture yun ant andun si Boy Negro

Di pa nakuntento ang tadhana, dahil alam mo naman sa ibang bansa dahil ayaw na malungkot at ma homesick pag pasko kabi-kabila ang partey at lahat yun may exchange gift, yung sumunod naman na exchange gift natuwa ako sa niregalo sakin ang dismaya lang eh yung taong mismong nagregalo sakin eh di nya alam na yun ang laman ng regalo nya yun pala may inutusan lang bumili ( counted pa ba to sa isdatotdatkawnts?) itago na lang natin ang nasasakdal sa pangalang Miss Piggy

At syempre ang pinaka hindi ko malilimutang esyenj gift ko eh galing sa pinakanagmamaganda kong kasama sa team, nung time na yun umayaw na ko dahil sabi ko ayaw ko nang masaktan pa, eh makulit sila, at ayan na nga ba sinasabi ko ang nakabunot pa sakin eh ang Best Friend forever kong si Fiona, iba ang diskarte ng pagbibigayn ng regalo, idedescribe mo yung taong nabunot mo at sasabihin kung bakit yun ang napili mong ibigay sa kanya ( hmmm pilit jinujustify ang isdatotdatkwants) maayos naman ang pagkakadescribe ng bestest best friend in the whole wide world ko, sabi nya ang nabunot nya daw eh babae who has it all, beauty , brains and talent... naks dun palang alam kong ako na nabunot nya sabi nya nahirapan daw sya pumili ng gift kase I have it all na nga daw, anak ng ewan nga naman diba ng buksan ko ang regalo inisip ko tuloy kung ilang taon na ko, at ilang taon na sya, kase naman diba bigyan ba naman ako ng stationery na heartshaped na amoy amag pa! namen san ko gagamitin yun, uso na email diba... sana binigyan na lang nya ko ng plastic ng yelo at least nadescribe na ko nung regalong yun (plastic kase ako at cold sa kanya), nagamit ko pa!

so this time marunong na ko, pag nakabunot ka ng papel na sing laki ng cartolina pag inalis mo sa pagkatiklop ako na nabunot mo at kasama dun sa papel na yun ang wish list ko, ginawa ko yan para makatulong sa tots mo at oo nga pala, mababaw lang naman kaligayahan ko bigyan mo na lang ako ng kendi pero please lang wag stationery!



Monday, December 15, 2008

Mis-Adventures in Lulu

Well, don't know how to call it pero honestly mukhang misadventure nga, super taas ng expectation ko sa lugar and it ends up like... pero masaya pa din, something bago kse...





woke up early in the morning for the 2 hour travel to Abu Dhabi... excited pa kmi








to get there we have to ride a boat pa, syempre ganda yung speed boat so we thought hmmm, cguro maganda nga, super smile pa kmi no?







diba may port pang maarte ang place, meron pang coaster van to take you to a spot you like, meron pang train para makapagtour ka around the island... smile pa din kse still don't know what would happen next... 1st bad news for that day, sarado daw yung pinakamagandang place dun yung lagoon kse may nalunod daw na pinoy... don't know if the rumors are true??? pero still have to enjoy the place after the two hour byahe... why not???



nice view of abu dhabi pa dba... at ang lola nyo naka loop earings pa, teka dba swimming pupuntahan ndi party??? arte!!




hmmmm...start na ata ng mis-adventure namin...



at ayun na nga ang tumambad sa amin, isang isla na puno ng tuyong puno, waaaaahhhhh nagkahiwalay pa kmi ng mga kasama namin!!! disyerto ito!!!!



ang lungkot dba, "we're lost"
see naman the reaction sa tingin nyo gandang adventure ba to?





kita nyo nman sa shed pa lang...firstclasss na...NOT!!! pero anyway we enjoyed each others company nman lalo na yung food




luckily we have a tent packed, so ano pa nga bang option... may sumita pa ngang manong baho samin eh kesyo bawal daw may tent...dedma comatose lang ang sagot ko sa kanya






pero kahit na, I still enjoyed it pa din kse kasama ko si superman bebe ko who enjoyed snorkelling habang ako eh nag enjoy managinip sa banig...





and kahit walang water sa banyo and we have to make ligo using a hose ( na huli ko nang nalaman na marumign tubig pala yun (nak ng tokwa), it was still fun...( see my bebe with his fake smile)




trying to get a shade from the tree, wala naman ata... picture taken while waiting for a coaster to take us back to the port






a product of our boredom... kaabnormalan




after 45 years naghihintay pa din

waiting for the bus...




so eto na itsura namin after 70 years, dumating din ang coaster at nakasakay na kmi ng boat...





so babalik pa ba kami dun? after all those mis-adventures? why not? basta I have my superman by my side, kahit pa disyerto yan....
(teka nasa disyerto na nga pala ako...)









Sa Letrang K!

And of course, syempre naman ito po eh repost(Read: jinokwat, hinalbat, ninakaw? ndi may permiso naman to) na nman ng lola nyo na walang magawa at eto ang rule:


Use the first letter of your name to answer each of the following. They have to be real places, names, and things. Nothing made up! Try to use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You CAN'T use your name for the boy/girl name question. (nosebleed....)

1.Your name: Karen Grace

2.Four words: Kamay, kutsara, kambing, kalapati...pero kung english pala dapat ahhh teka lang ha ( kukunsulta lang ako kay mareng Merriam)

Karat, Kindergarten, King, Knit... (kahiya naman may dictionary pa yun lang pala makukuha ko)

3.State/country: Kenya,Kazakhstan (wla si merriam nyan umalis ,kaya mukang mali spelling ko)

4.Boy Name: Kurdapyo

5.Girl Name: Kristine

6.Occupation: karpintero,

7.Word that describes you the best: kagandahan! (swak!!)

8.Something you can wear: Knitted blouse...yay

9.Something found in a kitchen: kitchen sink... ang daya no?

11.Something you shout: K! the one Million peso Videoke Challenge!

12.Something you do at school: Kulitin si teacher

13.Name of a friend: Kulokoy ganun kmi ka close na pwede ko syang tawaging kulokoy

14.Name of an animal: KCrocodile (silent K) hehehehe, kambing, kalapati

15.Name of a drink: Kool Aid ( Ah Basta ganun ang ispelling nyan) pwede rin Kok

16.Name of a holiday: Krismas o kaya King Chuvaness' Birthday ( sang bansa kaya may holiday na ganito?)

17.Name of a subject in school: Kompyuter

18.Name of a cousin: Kristine Carla ( eto totoo na)

19.Name of a fast food chain: King Chow (chow king pareho na din)

20.Name of a person you're crushing or had a crush on: KBrad Pitt ( silent K din yan)

21.Name of a food you like: kare kare, krispy kreme...may isip nman pala ako

22.Name of a food you do not like: kanin na panis

23.Name of a kid's toy: king kong toy

24.Name of a flowering plant: kalatsutsi

25.Name of a shopping mall: King Chuva's mall ( hahanapin ko na yung bansa na meron neto)

26.Name of a person you like: Kristine ( my younger sis)

27.Name of a person you dislike: Kulaspiro, pangalan pa lang ndi ko na sya agad gusto

28.Name of a place in your school: Kitchen, sosyal school namin eh may kitchen

29.Name of an object in front of you: kalkulator, kompyuter

30.Name of an electronic device: kalan na de kuryente

31.Name of a color: kulay pink( ayan starts and ends with a K yan)

32.Name of a tourist spot: Karagatan ng Ewan o kaya King Chuva's Palace( Location: TBA)

33.Name of your classmate: Kulasa ( ndi yun tunay nyang pangalan pero yung ang tawag ni teacher sa knya pag nakakalimutan nya yung name)

34.Brand of a car: Kia

36.Name of a candy: Kisses

37.Name of a book: Kagila-Gilalas na Pakikipagsapalaran ni ZSAZSA ZATURNNAH

38.Name of a cellphone brand: KNokia ( silent K ulit yan)

39.Name of a sickness: kalimot,

40.Name of a kind of fish: Karpa

41. Make a sentence with at least 6 words starting with your first letter name only.
Kung Kulitin kaya kita kikita ka kaya? o 7 pa yan pag english ganito
King Kongs King knights king koopa ( parang tongue twister pa yan si king Koopa yung sa Mario valid yan ha)

***** kasalukuyang nagpupulot ng utak ang mga medics dito sa office namin, dahil sa pagpupumilit ko na tapusin ito at sagutan in english na ndi naman kinaya***
dagdag ko to* 42. One Word that describes this: KORNY!!!

kahit ndi nman kconvincing (silent k pa din) ang ginawa ko sa taas inspiring nman eto... Tingnan ang Ibig sabihn ng K... just follow the light, este the link...

Cumtotinkopit 2

kung lahat ng kokontra sa mga gumagawa ng blog na nagsasabing magaganda o pogi sila siguro andaming nang nabuong blog no????
yun kaya ang dahilan bakit madaming blog? para masabi sa sarili na maganda ako walang kokontra dahil blog ko to???

hmmmmm??????

may split personality daw ako?

we'll as an official part of my daily office routine... (bloghopping po) I found a great way to remove my boredom!!!


this is what happens when your bored.... nagmomorph ka!!!! hahahahhaha.... huh?cool diba...pwede pala akong blonde...." I'll be there for you..." papalitan pa kaya ako ni Brad Pitt???

...hmmmm sinong kamukha ko dito???



wala na lang pakelaman ha!!! site ko to eh and I'm bored sobra... pwede sa Transformers dba!

nakamukha ata namin si ashton dito... pang strip tease o kaya, " Ohhhhh my loooove, my darleeeeenng..."

unti-unti ata akong nagmumukhang boy??? pahinga kase kami sa "24" eh

pwedeng artista sa Shopaholic the Movie...

e
h sa fantastic four kaya? ehhh mas mukhang mugshot to eh..arrested for DUI...hahahaha

somebody saaaaaaaaave me!!!! paging Mr Clark Kent.... bored to tears na ko!!!

****haaaaay at least kahit pano nawala ng konti boredom ko! and mukha akong busy pati!!! yey me!
***walang pakialaman ha gumawa kayo ng inyo...nyahahahha....

Cumtotinkopit???

isa sa mga naisip kong habit ko na ipost dito sa bagong haus ko eh ipost kung anong biglang pumasok sa isip ko


"
You shouldn't have to sacrifice who you are just because somebody else has a problem with it...


.....minsan pala pwede akong maging seryoso....

A letter to my future baby...

Dear Baby,
By the time you’ll be able to read this perhaps you are already 5 or 7 years old ( depending on how well your Dydy Pao and I teach you). As Mymy ( I would like you to call me Mymy as your lola’s are already called mommy) is writing this I am already imagining how you would look like and who you would look like. I am already thinking about how your room and the dresses and toys that I would buy for you.

You may still be enjoying playing with Jesus making kulit with your playmates in there, but can you please ask Him when can you go down here with us. Mymy and Dydy are having fears already that we may not be able to have you, tell Him to help us na mawala yung fear na yun. And by the way can you also thank Him for everything He has given us, a kiss would be good din…


We already have a name for you your Dydy Pao want you to be a girl because for him a baby girl can be super sweet daw and he wants you to look like me daw… As for Mymy, I want you the way you are kahit boy pa ikaw or girl. We already have a name for you na nga eh, If you are a girl we would name you Loren Danielle or Psalmantha Danielle, what do you think baby??? hope you like it, we will call you Dannie or Psalm for short.

If you will be a boy, your cousin Gaile has already chosen a name for you and Dydy also liked it, You will be Allen Francis…

Dydy and I have really looking forward to meet you and a lot of your tito’s and tita’s here have been waiting for you as well, you have lot’s of Ninong’s and Ninang’s na nga eh, even your Lolo’s and Lola’s are looking forward to meet you na, I just tell them that you might still be enjoying your playtime there and God is still making you pogi/maganda pa…

Wag kang mag worry I would not mind those morning sickness or back pains, Okay lang kay Mymy yung mga kick sa tummy or mga food cravings. Yung mga frequent trip sa restroom okay lang din sakin yun and I promise Mymy will do her best na matutong uminom ng milk para maging healthy ka din.

Dydy and Mymy would not mind to be awaken by your late night cravings din and mga panggising mo na iyak, mapagod man kami as long as it’s for your best okay lang samin yun ( pero wag naman lagi ganun baby ha). Mymy would do her very best din not to throw up while I am washing you kapag you make pupu, believe me bebe malaking step para kay Mymy yun

It may not be as perfect here compared to there but I’ll make sure that you’ll have the best. Mymy and Dydy will do our very best to give you everything. We may not be the perfect parents but we will try to be the best for you. The world may not be as good as your playpen in Heaven but I know God will provide us everything, He will make all things work for us 3.

Your dad is super cool, he will really make you feel like you’re a princess or a queen syempre king kung boy ka, and gusto ko I-share sayo and maramdaman mo how great your dad is. He can be a good friend, a great dad and the good provider din. Ngayon pa lang he’s doing the best he can to prepare a good future for you na.


Your Mommy Baby and Daddy Bert is also looking forward din to spoil you, they also want the best for you, si Mommy Neng din at si Daddy July, andun din sila waiting, ang dami na ngang mag iispoil sayo eh, pero alam ko naman baby na you’ll grow up as a good kid.


Your tita’s and tito’s are super, you’ll really love them din, and if ever we will have lot’s of time and money pag dating mo we’ll visit your Tito Jon and Tita Maan in AZ din, magiging spoiled ka din sa kanila kase super loving si Tita mo, and wait til you meet your cousin from them din. Your Tita Doodle can take you to theater plays and shopping trips just as what she does to your cousins Gaile and Gboy. Your Tito Abet may be a bully but he will be your super malambing na tito. You also have a Tito Baloi who can teach you to play table tennis and your Tito Patrick and your cousins Keizah and Micah will be your playmates also.


Madami ding naging friends si mommy while waiting for you and before pa man kita I conceive andun na sila praying for me andyan sina tita Abhie mo and si tita Denden na kahit magkakalayo at sa multiply lang kami nagkakailala they are praying na din for us na mag meet na soon. And pag dating mo sabay tayong mag tethank you sa kanila.

Andyan din si Tita Bisaya mo na lagi ka ding pinagprepray at winiwish nya na meron na din syang matawag na Babylog( baby tagalog in short), looking forward din si Babykuya Zaiid who by the way is also praying for you to come here na and si Babysaya, na I know isa sa mga naging playmate mo dyan, I even asked him na sabihan ka dyan to go down here na din eh... I know you'll be great friends din like Mymy and Tita Bisaya is.

Mahirap sa umpisa baby pero I know kaya natin to ng Dydy mo kase kasama natin sa team natin si Lord.

I’ll try to be understanding sayo as you grow up, pero wag kang magagalit sakin pag nagkaron ng time na papagalitan ka naming ni Dydy mo pag mali ka ha. And one things for sure yung playmate mo dyan ngayon si Jesus di din naman kayo magkakalayo eh kase pagbaba mo at pagpunta mo dito samin kasama pa din natin sya. He’ll be your guide and your Best Friend and ano man ang di namin kayang ibigay ni Dydy sayo andyan sya.


Enjoy mo lang yung time mo dyan baby ha but not too much, kase down here, we’ve been missing you way too much na.

We love you baby and see you real soon…

Love your future mommy…


P.S. Can you also please tell God na if ever you have a sibling wag muna kayong magkasunod agad para I can have time for both of you ha…Love you love you baby

perstaym ko???

finally nakakita din ng time para maglipat bahay!
di ko pa alam kung ano ilalagay ko dito tuluyang lipat bahay ba o iwanan na ng tuluyan ang nakaraan at isiping parang nasunugan lang????
oh well, kelan kaya masusundan ito?
at tulad ng karamihan ngblog na nabisita ko kelangan meron ding...
" Welcome"
anak ng tokwa, simula pa lang ang gulo ko na!!!